shop (syap) 1: gusali, silid, at iba na pawang laan para sa pagtitinda o pagbibigay ng serbisyo 2: pamimilí ng mga bagay 3: pook na gawaan o komponihan ng gamit o kasangkapan 4: propesyon, kalakalan, negosyo, at iba pa, lalo na bílang paksa ng usapan 5: talyer 6: institusyon, establisimyento, pook ng negosyo, at iba pa
french wíndow (frentz wín•dow) : pares ng bintana na tíla pinto, may bisagra sa patayông gilid ng hamba, at bumubukás sa gitna